DISCLAIMER: these are posts from my second xanga blog. Posts were made from July 31, 2005 - May 19, 2006. Posts from a 20-21 year-old me. You are free to laugh at my lovesick, emo, pathetic 20/21 year old self. :P
Friday, May 19, 2006
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Friday, May 19, 2006
badtrip pero bago magsulat ng kabadtripan, ung mga magagandang pangyayari muna. so aun, natanggap na ko sa training for itouch. masaya ang training. new friends, new environment, new experience.. aun. tsaka para akong bumalik ng high school. nakakatuwa. nag-aaral ako for training. at pumapasa sa mga quizzes and exams. something i haven't really experienced much in college. tsaka masaya na you're doing something productive. hindi ung bum lang. ilang weeks din kasi akong nagpakabum. masayang makihalubilo sa mga bagong tao. masayang magkaroon ng ibang experience. pagod na kasi ako sa pagiging estudyante. gusto ko nang magmove-on. un. kaya bad3p. gusto ko naman kasi talagang gumraduate. kaya lang parang ayaw ng pagkakataon. nakakainis. i'm trying to start anew na nga. kaya lang di pinalad. aun nga. super sad. kailangan ko na talaga ng fresh start eh. pero aun. parang ayaw talaga akong pagbigyan. pano na? di pa naman ako nawawalan ng pag-asa. right now, i still have a lot of things na makakapitan. i'm not ready to give up. and i don't want to give up. pero syempre, nakakalungkot. hay.. akala ko pa naman ok na lahat. hindi pa pala. | |
Sunday, April 30, 2006
as usual... ...matagal akong hindi nagpost. ilang buwan din. ganyan naman lagi. pag sinisipag meron. pag hinde, wala. kaya wala talagang sense na subaybayan ang blog ko. anyway, hindi rin naman talaga ako nagbblog para may mabasa ang ibang tao. wala lang. mahilig lang talaga akong magsulat pag tinotopak. tulad ngaun... at dahil matagal akong nawala sa blogging scene, kailangan na ulit nito ng bagong look. ang dali ko rin naman kasing magsawa sa layout ng blog ko. mas matagal pa nga yung time na ina-allot ko for layout kesa sa actual blogging. basta. ganun. ayoko ng ordinary na look sa blog. my blog represents who i am. and i definitely don't want to be ordinary. anyway, change topic... most of my batchmates have already graduated from college.. at ako? i still have no idea on what i really want. wala pa ring direksyon ang buhay na tinatahak ko. hindi ko pa rin mahanap ang kung anumang kulang sa buhay ko. hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko... at as usual nagddrama na naman ako sa blog. may mga bagay kasing mas madaling ilabas sa system mo pag sinulat mo kesa pag sinasabi... because when you write, you have all the time in the world to think. pwede kang magbura pag hindi exact representative ng feelings mo ung words na ginamit mo. at pag naisulat mo na lahat ng gusto mong isulat, you still have a choice kung ipapabasa mo ba sa iba ung sinulat mo o hinde. hay nako.. ang dami ko pang gustong gawin. ang dami ko pang gustong marating. basta. kaya ko. tumatakbo ang oras, naiiwan na ako... ng panahon. di na nagbago bawat araw pare-pareho, parang kahapon. tumatakbo ang oras... naiiwan na ako. | |
Thursday, August 04, 2005
Wednesday, August 03, 2005
Sunday, July 31, 2005