Kumakain ako ngaun ng sintones. Hulaan ko reaction mo: “huh, sintones? Ano un?” Well, mas kilala mo siguro cya sa pangalang dalandan. Pero sintones ang tawag dyan dito sa min. Hindi ko nga malalaman na ito pala ung dalandan kung hindi nauso ang mga dalandan flavored drinks at nagkaron sila ng commercial sa tv. High school o college na siguro ko nun.. Kahit hanggang ngayon, pag gusto kong kumain ng dalandan, “sintones” pa din ang pinapabili ko..
Parang turon. Alam mo bang dati, hindi ko alam na turon pala ang tawag dun sa saging na binalot sa lumpia wrapper. Sagimes kasi ang twag namin sa turon eh. At dati, naweweirdan ako sa shape ng turon. Kasi ang sagimes (na paboritong paborito ko nung bata pa ko) eh square ang shape. Parang ganito:
Pati ung tinapay na tinatawag nyong monay? Ang tawag sa min dun eh bangka. (Ung pronounciation nito hindi ung pagppronounce ng bangka na ship ha. Mahaba ung bang. Baang-ka. Malumay lang un pronounciation.) At ang laki pa nyan nun. Ung pisong bangka dati, mas malaki pa sa limang pisong bangka ngaun. Naalala ko pa, ang everyday merienda ko pag bakasyon eh isang bangka na may palamang peanut butter (ung walang brand na peanut butter na nakalagay sa malaking plastic container) at softrinks (8oz na coke o kaya mirinda o 7up, hindi ako umiinom ng sarsi). Kaya naman nung bata pa ko, tumataba ako lagi pag bakasyon.. :D
No comments:
Post a Comment