Monday, October 19, 2009

very inspiring graduation speech

ito ang graduation speech ni james bernard c. rodriguez. hindi ko siya kilala. hindi ko rin alam kung para sa anong school nya to graduation speech o kung anong batch cya gumraduate. pero gusto ko siyang makilala. :) kung napadpad ka sa blog ko at kakilala mo siya, pakipasalamatan siya para sa 'kin. isa siyang inspirasyon. sana lahat ng graduation speech ay kasing motivational ng speech nya. :)matagal na tong gumagala sa web pero ngaun ko lang nabasa. ni-repost ko sa paghahangad na mas maraming tao pa ang mamotivate nya. :)


Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag- aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa 94 at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang school year lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng Summa Cum Laude, Best Thesis Award at Leadership Award. Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng "Hung-on-and- managed-to- graduate-despite-nearly- getting-kicked- out-during-his-academic -stay" award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na Kaya mo yan, mag-aral ka lang pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang TAKE 5 NA KO!!! o Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/ etc. Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag- gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term. Kahit kalian, hindi naging problema sa Star Student na sabihing Nay, bagsak ako. at hindi kailanman sumagi sa isip nila na paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho? Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik- muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo naming me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag- asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba't titigilan niyo yung pagti- tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pag-iisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako. This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over- achiever, naysayer and detractor that told me that I can t make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it s supposed to be the graduate s moment of glory.

You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

- JAMES BERNARD C. RODRIGUEZ

estudyanteng hinde

Ang hirap palang mag-aral mag-isa. Unlike sa normal school na babasahin mo yung readings mo tapos ididisscuss ng prof sa klase. Syempre pag nasa class na, ang ididiscuss na lang ng professor eh ung mga importanteng information at ung mga most likely na lalabas sa exam. Plus, pwede ka or ung classmates mo na magtanong sa prof or sa isa't isa ng mga bagay na hindi mo naintindihan. Kumbaga, may karamay ka. :)

Pero madali din naman magself-study in a way. Kasi super hawak mo talaga yung oras mo. Like kapag nararamdaman mo na saturated na ang utak mo, pwede kang mag-break anytime or change subject muna. Eh sa traditional school, alangan namang sabihin mo sa prof mo na "Sir, break  muna tau sa paglelecture mo. Ayaw na mag-absorb ng utak ko eh. Dun muna ko sa math class. Tandaan mo na lang sir kung san tau tumigil sa discussion." Haha. Laughtrip naman un. :)

Nakakatamad lang talaga mag-aral mag-isa. Kelangan mo talaga ng disiplina. Ang weird pa ng modules ko. Hindi ko matapos sagutan ung progress check na hindi ako tumitingin sa answer key. Hehe. Ang daya ko. Pati sarili ko dinadaya ko na. Anu ba yan, may matutunan kaya ako dito? Pero kasi naman, inaattempt ko naman sagutan without looking pero ang weird ng ibang tanong eh. Like eto:
It was in ______ that the theory of dualism emanated.
Ang sagot ko, the 18th century. Un pala, place ung hinahanap. So England ung sagot. Pero kung babalikan mo ung module, mas nag-focus sya sa dates instead of places. Sabagay, kung titingnan mo ang question, grammatically eh mas bagay na sagot ang England kesa sa 18th century. Eto mas matindi:
During emotional stress, regardless of nature, many of the physical reactions are _________.
Ang sagot ko jan, instantaneous. At matagal kong inisip yan. Ang dami kasing possible answers. Pero may nabasa kasi ako sa module na:  
Under emotional stress, just like in reflex action, bodily reactions are instantaneous because of the direct link between the stimuli and the organs.
Pero mali ang sagot ko. Ang correct answer ay common. Parang kinukutya ako ng answer key at kulang na lang eh lagyan nya ng "duh" sa tabi ng answer. At take note, walang nabanggit na common sa buong module or anything that implies physical reactions being common.

Hay.. O baka naman hindi na ako marunong mag-read between the lines o mag-deduce ng information from what has been stated dahil sa tagal na natengga ang brain cells ko. (idagdag mo pa ang damage ng alcohol.)

I guess malalaman ko lang talaga kung mahirap or madali ang distance learning once mag-final exam ako. Kasi my final grade will be based only on the final exam and the module tests. (Iba ung module test sa sinasabi ko na progress check kanina. Progress checks are the ones you do after completing each lesson. Kasama to sa module at may answer key sa next page. Ung module test naman eh parang take home exams. Walang answer key at ibibigay un sau kasabay ng modules upon enrollment. You can answer them anytime basta make sure that you submit it before you take your final exam.)

Speaking of exams, nung nag-aaral pa ko sa UP, sangkatutak na sample exams ang sinasagutan ko before each exam sa math at stat. Pero ngaun, i have no idea what to expect. Kasi kahit ung non-math/stat subjects, by the time naman na mag-finals ka mejo alam mo na kung pano magpa-exam ung prof eh.. Pero ngaun, naku. One time bigtime ka sa final exam. :(

Haaaaaaay. Right now, I'm taking a break from reading the modules. General Psychology lang muna ang inaaral ko eh. Saka na ung ibang subjects/courses. Naisip ko kasi one by one ko na lang aaralin ung mga subject then take one (or maybe two) exam/s at a time para nakafocus ako sa subject and fresh pa sa utak ko ung pinag-aralan ko. Ay hindi ko pala na-mention kanina na we can schedule our final exams. Anytime yun as long as within 4 months after enrollment. (trimestral kasi sila eh.) Naglimit na din ako ng 2 weeks for each subject. Wish ko lang makapag-stick ako with the schedule I made for myself. Madali pa ngaun kasi syempre simula pa lang at medyo excited pa ko. Plus, wala akong work ngaun.. Naku, goodluck na lang sa kin once mag-work ako ulit.

Anyway, Aja! :) Kaya ko 'yan! :)

Thursday, October 1, 2009

pink slip screams clean up!

from now on, i promise to be organized.. and yes, i say that after making a lot of mess (see evidence below) while looking for a particular pink slip which happened to be at in an envelope in the last paper bag i looked in.




















just to give you a rundown, these pictures are the product of 7 years of my life that you're looking at. breaking it down, that's 4 years spent in college and 3 working years. these are the piles of garbage mixed with sentimental stuff and important + not-so-important documents. 7 years of shit that have slowly accumulated in various places i've rented in and finally been brought home almost a month ago.. and yes, lazy me is just starting to dig into these stuff to have some semblance of organization in my life.

i have been dreading organizing this stuff beforehand as i've always known that it's going to be such a nightmare to have it all cleaned up but i can't put it off any longer. i realized this because of 1 thing : i have to get back to work soon.

and so you wonder : how does that relate to each other?

well, it's pretty simple. remember the pink slip i mentioned earlier? that's the slip containing my social security number. it takes forever to get an SSS ID so while i don't have an ID, that would be the only legitimate proof of my SSN and thus would be needed once i get a job.

i have most of the important documents in an envelope but i've forgotten where i put the pink slip so i started rummaging through all bags, paper bags, envelopes and plastic bags that i've brought home with me. i swear, i spent hours looking for it. and just as i was about to lose hope; a glimpse in the last paper bag showed a very familiar-looking, extremely tattered brown envelope which i used during a job hunting expedition i did years ago. i opened the envelope and there it was : the pink slip i've spent a great deal of my time looking for.




so to prevent this from happening again in the future, i have decided to get everything organized and throw away all the junk stuff (which is probably more than half of the stuff anyway. just the brief inspection i did through each bag while looking for the pink slip shouts TRASH more often than not.). and yes, i'm gonna get started on it ASAP.

ASAP.

ooops. i mean right after this blog is done.. and oh! do you see the time? it's 3:04 am. i must've spent more than 4 hours looking for the thing. probably explains why i'm sooo sleepy. so i'll just make u a deal. i'll bring up all the stuff in my room and i'll have 'em organized tomorrow. deal?

yeah. i know. you're thinking that i'm being lazy again and won't get the job done, huh? well watcha gonna do? a girl's gotta sleep right?



ugh. i hate this but i promise i'm gonna organize this tomorrow. i swear. sleep's just taking over me at the moment.