Pero madali din naman magself-study in a way. Kasi super hawak mo talaga yung oras mo. Like kapag nararamdaman mo na saturated na ang utak mo, pwede kang mag-break anytime or change subject muna. Eh sa traditional school, alangan namang sabihin mo sa prof mo na "Sir, break muna tau sa paglelecture mo. Ayaw na mag-absorb ng utak ko eh. Dun muna ko sa math class. Tandaan mo na lang sir kung san tau tumigil sa discussion." Haha. Laughtrip naman un. :)
Nakakatamad lang talaga mag-aral mag-isa. Kelangan mo talaga ng disiplina. Ang weird pa ng modules ko. Hindi ko matapos sagutan ung progress check na hindi ako tumitingin sa answer key. Hehe. Ang daya ko. Pati sarili ko dinadaya ko na. Anu ba yan, may matutunan kaya ako dito? Pero kasi naman, inaattempt ko naman sagutan without looking pero ang weird ng ibang tanong eh. Like eto:
It was in ______ that the theory of dualism emanated.
Ang sagot ko, the 18th century. Un pala, place ung hinahanap. So England ung sagot. Pero kung babalikan mo ung module, mas nag-focus sya sa dates instead of places. Sabagay, kung titingnan mo ang question, grammatically eh mas bagay na sagot ang England kesa sa 18th century. Eto mas matindi:During emotional stress, regardless of nature, many of the physical reactions are _________.
Ang sagot ko jan, instantaneous. At matagal kong inisip yan. Ang dami kasing possible answers. Pero may nabasa kasi ako sa module na: Under emotional stress, just like in reflex action, bodily reactions are instantaneous because of the direct link between the stimuli and the organs.
Pero mali ang sagot ko. Ang correct answer ay common. Parang kinukutya ako ng answer key at kulang na lang eh lagyan nya ng "duh" sa tabi ng answer. At take note, walang nabanggit na common sa buong module or anything that implies physical reactions being common.Hay.. O baka naman hindi na ako marunong mag-read between the lines o mag-deduce ng information from what has been stated dahil sa tagal na natengga ang brain cells ko. (idagdag mo pa ang damage ng alcohol.)
I guess malalaman ko lang talaga kung mahirap or madali ang distance learning once mag-final exam ako. Kasi my final grade will be based only on the final exam and the module tests. (Iba ung module test sa sinasabi ko na progress check kanina. Progress checks are the ones you do after completing each lesson. Kasama to sa module at may answer key sa next page. Ung module test naman eh parang take home exams. Walang answer key at ibibigay un sau kasabay ng modules upon enrollment. You can answer them anytime basta make sure that you submit it before you take your final exam.)
Speaking of exams, nung nag-aaral pa ko sa UP, sangkatutak na sample exams ang sinasagutan ko before each exam sa math at stat. Pero ngaun, i have no idea what to expect. Kasi kahit ung non-math/stat subjects, by the time naman na mag-finals ka mejo alam mo na kung pano magpa-exam ung prof eh.. Pero ngaun, naku. One time bigtime ka sa final exam. :(
Haaaaaaay. Right now, I'm taking a break from reading the modules. General Psychology lang muna ang inaaral ko eh. Saka na ung ibang subjects/courses. Naisip ko kasi one by one ko na lang aaralin ung mga subject then take one (or maybe two) exam/s at a time para nakafocus ako sa subject and fresh pa sa utak ko ung pinag-aralan ko. Ay hindi ko pala na-mention kanina na we can schedule our final exams. Anytime yun as long as within 4 months after enrollment. (trimestral kasi sila eh.) Naglimit na din ako ng 2 weeks for each subject. Wish ko lang makapag-stick ako with the schedule I made for myself. Madali pa ngaun kasi syempre simula pa lang at medyo excited pa ko. Plus, wala akong work ngaun.. Naku, goodluck na lang sa kin once mag-work ako ulit.
Anyway, Aja! :) Kaya ko 'yan! :)
No comments:
Post a Comment